Dalawampu’t walong hindi pa nakikilalang labi kabilang ang anim na miyembro ng grupong ISIS-Maute ang inilibing sa isang pampublikong sementeryo sa Marawi City.
Kabilang ang mga labi sa mga narekober sa unang bahagi pa lamang bakbakan na nagsimula noong huling linggo ng Mayo.
Ayon kay Tong Pacasum ng Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, inilibing ang mga bangkay sa Makbarah Public Cemetery sa Barangay Papandayan matapos makumpleto ang post-mortem examination.
Pawang mga na-aagnas na anya ang mga inilibing na bangkay na narekober ng kanilang retrieval team.
By: Drew Nacino
SMW: RPE