Tuluyan nang ipinagpaliban ng COMELEC o Commission on Elections ang barangay at SK o Sangguniang Kabataan elections sa Mindanao.
Batay sa resolusyon ng COMELEC En Banc, nananatili pa rin ang banta sa seguridad ng mga botante dahil sa nagpapatuloy pa ring bakbakan sa Marawi City.
Maliban sa Mindanao, nakabinbin pa rin sa Kongreso ang panukalang pagpapaliban sa nasabing halalan sa Oktubre.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Batas Militar ang buong Mindanao kasunod ng nangyaring Marawi siege at mga panaka-nakang pag-atake ng mga bandido sa iba’t ibang panig ng Mindanao.
By Jaymark Dagala