Tiniyak ngayon ng gobyerno na may sapat na pondo para sa implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act o batas na magbibigay ng libreng matrikula para sa mga estudyante ng State Universities and Colleges (SUC’s).
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ‘committed’ ang Pangulong Rodrigo Duterte na gawing libre ang college education sa unang semester ng susunod na taon.
Tiwala din ang kalihim na may ilalaang pondo mula sa 3.7 trillion proposed national budget ang Kongreso para sa pagpapatupad ng naturang batas.
Matatandaang nilagdaan ng Pangulo ang batas para sa libreng matrikula kahit pa tutol ang kanyang economic managers dahil sa kawalan umano ng pondo para dito.
By Arianne Palma
SMW: RPE