Siguradong maraming fans ang mag-aabang sa reunion project ng mga stars ng teen series na TGIS o ‘Thank God It’s Sabado’.
Sa exclusive interview ng PEP.ph kay Direk Mark Reyes, kinumpirma nitong may plano silang magkaroon ng get-together para gunitain ang ika-22 anibersaryo ng naturang show.
Dagdag pa ng direktor, may initiative plan din sila na magkaroon ng proyekto ang casts ng phenomenal ’90s youth-oriented show.
Paglilinaw ni Direk Mark Reyes, ang pinaplano nilang proyekto ay hindi karugtung ng TGIS ngunit ang dating casts ng nasabing show ang mismong mga gaganap.
Aniya, hindi pa malinaw kung magiging isang pelikula o series ang naturang pinaplano nilang proyekto.
Ang TGIS ay unang umere noong Agosto taong 1995 sa GMA Network at ang VIVA television ang nagsilbing producer nito.
Kabilang sa first batch nito ay sina Michael Flores, Bernadette Allyson, Rica Peralejo, Ciara Sotto, Raven Villanueva, Onemig Bondoc, Jake Roxas at Red Sternberg.
Habang ang tambalang Angelu de Leon at Bobby Andrews naman ang pinakasikat na love teams noong ‘90’s.