Guilty sa kasong sexual harassment ang isang dating konsehal ng Kabankalan City sa Negros Occidental.
Napatunayan ng Sandiganbayan na pinilit ni Carlo Villavicencio ang kaniyang aide para makipag-date at makipagniig sa kaniya upang patuloy na makapag-trabaho sa konsehal noong taong 2005.
Una nang binigyang-diin ng Ombudsman na ginamit ni Villavicencio ang kaniyang posisyon para makapag-renew ng employment contract ang aide niyang si Ian She Salon sa pagitan noong buwan ng Agosto hanggang Disyembre 2005.
Sinasabing tinakot pa ni Villavicencio si Salon na ibabasura ang appointment nito sa kaniyang opisina sa unang anim na buwan ng 2006 nang tanggihan ng aide ang hiling ng naturang konsehal.
By Judith Estrada – Larino
SMW: RPE