Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang magbibigay ng Universal Health Care para sa lahat ng mga Pilipino.
Pito lamang mula sa 229 na mga mambabatas ang bumoto kontra sa pagpasa sa House Bill 5784.
Sa ilalim ng nasabing panukala, inoobliga nito ang estado na bigyang halaga ang karapatan ng bawat Pilipino para makakuha ng libreng serbisyong medikal.
Nakasaad din sa nasabing panukala ang pagbuwag sa PhilHealth o Philippine Health Insurance Corporation at palitan bilang Philippine Health Security Corporation na may mas malawak na health coverage.
Pananatilihin din ng panukala ang kita ng mga pampublikong ospital upang magamit ng mga ito sa pagpapataas ng kalidad ng kanilang serbisyo.
RE/ DWIZ 882