Kinondena ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang 60 Pisong food allowance kada araw at 10 Piso naman para sa gamot ng mga bilanggo.
Ito’y makaraang masilip ni Castro ang katiting na pondong inilaan sa mga bilanggo sa nagpapatuloy na debate para sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Giit ng dismayadong mambabatas, tila unti-unti na aiyang pinapatay ang mga preso dahil sa hindi maka-taong paglalaan ng pondo para sa mga ito.
Ngunit sagot ni Oriental Mindoro Rep. Salvador Leachon na siyang sponsor ng panukala na nakabatay sa standard o pamantayan na itinakda ng DOH o Department of Health ang halagang nakasaad sa budget para sa mga preso.
Dahil dito, hiniling ni Castro sa kaniyang mga kapwa mambabatas sa Kamara na dagdagan ang ilalaang pondo para sa pagkain at gamot ng mga preso.
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE