Tutol si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa panukalang bumuo ng isang kagawaran na tututok sa mga programang pabahay para sa mga mahihirap na Pilipino.
Ayon kay Atienza, tiyak na babagal lamang ang mga nakahanay na proyektong pabahay sakaling ituloy pa ang nasabing panukala dahil tiyak na gugugol ito ng mahabang panahon.
Kasunod nito, hinimok ng mambabatas ang administrasyon na suportahan at pondohan ng maayos ang sektor ng pabahay dahil may mga ahensya ng pamahalaan nang tumututok dito.
Aniya, tungkulin ng NHA o National Housing Authority ang pagbibigay ng pabahay sa mga mahihirap habang ang Pag-Ibig Fund at HLURB o Housing and Land Use Regulatory Board naman ang siyang magbabantay sa mga proyektong pabahay.
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE