Pinako-contempt na ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Kasunod na rin ito nang muling pagliban ni Faeldon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado sa nakalusot na 6.4 billion-peso shipment sa Customs mula sa China.
Dahil ditto, inatasan ni Gordon si Faeldon na magpakita sa susunod na senate hearing hinggil pa rin sa nasabing usapin sa Lunes.
Una nang nagpadala ng sulat si Faeldon sa komite na hindi na siya dadalo sa nasabing pagdinig dahil sa pagiging impartial ng ilang senador.