Patay ang isang empleyado ng CSC o Civil Service Commission habang sugatan ang isa pa matapos tamaan ng ligaw na bala sa labas ng MSU o Mindanao State University sa Marawi City.
Ayon kay Colonel Romeo Brawner, deputy ng Task Force Ranao, tinamaan ng ligaw na bala sa ulo ang nasawi na si Marvin Ablando habang sugatan naman si Zandra Arnica Uzman na nadaplisan ng bala sa ulo.
Nasa loob aniya ng sasakyan ang dalawa at pababa ng MSU nang tamaan ng ligaw na bala.
Samantala hindi pa matukoy ng militar kung anong uri ng bala ang tumama sa dalawa.