Inamin mismo ng mga opisyal ng BOC o Bureau of Customs na may korupsyon sa Aduana.
Ayon sa bagong commissioner ng BOC na si Isidro Lapeña, batay sa kanyang mga nakalap na impormasyon ay umiiral aniya ang ‘tara system’ o padulas para sa pagpapalusot ng mga kargamento.
Sinabi ni Lapeña na nasa P31,000.00 hanggang P71,000.00 ang ibinabayad sa mga opisyal ng Customs kada shipment para maipuslit sa bansa na siya aniyang ugat ng korupsyon sa BOC.
Sinang-ayunan ito ng Chief of Staff ni dating Customs Chief Nicanor Faeldon na si Atty. Mandy Bautista kung saan ay regular aniyang umiikot ang pera sa Aduana.
Sinabi naman ni Customs Deputy Commissioner Gerardo Gambala na talamak ang extortion, harassment at palakasan sa BOC.