Kinonenda ni Vice President Leni Robredo ang pagkamatay ng mga kabataan sa kamay ng mga awtoridad.
Kasunod ito ng mga kaso nina Kian Loyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.
Iginiit ni Robredo na kailangan ng huminto ang mga walang pakundangang patayan partikular sa mga kabataan lalo’t hindi naman ganito ang mga Filipino.
Ayon kay sa Pangalawang Pangulo, lalong nakadagdag ng pangamba sa proseso ng war on drugs ang pagkakadiskubre sa bangkay ng binatilyong si Reynaldo alyas Kulot na tadtad ng saksak at binalutan pa ng tape ang ulo.
Dahil dito, nanawagan si Robredo sa publiko na magkaisa para mapanagot ang may sala sa mga napatay na kabataan at matigil na ang mga patayan.
By Drew Nacino
SMW: RPE