Tatlong lalaki ang inaresto ng France Police dahil sa hinihinalang paghahasik ng terorismo sa nasabing bansa.
Ayon kay French Interior Minister, nakatanggap sila ng impormasyon na may isang grupo ang planong manggulo sa bayan ng Villejuif.
Agad naman silang nagsagawa ng operasyon kung saan naaresto ang nasabing mga lalaki at nakuha sa mga ito ang 100 gramo ng triacetone triperoxide na sangkap sa paggawa ng pampasabog ng mga Jihadist.
AR / DWIZ 882