Engaged na ang Pinay singer at international theater actress na si Rachelle Ann Go sa kanyang New York-based businessman boyfriend na si Martin Spies.
Ito ang masayang ibinahagi ni Rachelle sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
Sa larawan ay makikitang nakaluhod na nagpo-propose si Martin kay Rachelle sa tabing-dagat.
“I just prayed for this on my 31st birthday and just like that this happened. What an amazing God we have. Thank you Father God for this man. A man who loves you first. I still cannot believe this!!”
Agad na umani ng libu-libong likes at comments mula sa mga netizen ang nasabing post ng singer.
Ilan sa mga agad na nagpaabot ng pagbati sa dalaga ay sina Zsa Zsa Padilla at Ogie Alcasid.
Congrats Rachelle!
Sa mga naunang post ni Rachelle ay inilarawan niya si Martin na isang ‘godly man’, at may pagkakataon pang ito ang nagdadala ng bag ng dalaga habang hinihintay matapos ang kanyang theater show.
Sinasabing si Martin ay nagtatrabaho bilang general manager ng American luxury fitness club na Equinox.
AR / DWIZ 882