Lilinisin ang lahat ng pulubi, street vendors at lahat ng pagala-gala lamang sa lansangan ng Cebu City.
Sisimulan ang paglilinis sa mga pulubi, vendors at iba pa dakong alas-10:00 ng gabi sa August 14, isang linggo bago ang Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Ministerial Meetings sa Cebu City.
Gayunman, agad nilinaw ni Jocelyn Pesquera, Chairperon ng Cebu City Anti Mendicancy Board na hindi ito para lamang sa APEC.
Araw araw anyang mayroong rescue operations ang kanilang grupo at nagkataon lamang na sa August 14 magkakaroon ng synchronized rescue operations kasama ang mga local officials bilang bahagi ng paggunita sa Anti Mendicancy Month ngayong Agosto.
Sa katunayan, bumaba na aniya sa 200 ang bilang ng mga pulubi at street dwellers sa Cebu mula sa dating 400 noong 2013.
Tiniyak ni Pesquera na hindi nila itatago lamang para sa APEC ang mga pulubi.
Dadalhin anya ito sa sports complex ng barangay San Roque upang alamin ang kanilang mga kaso dahil marami sa kanila ang mayroon naman talagang mauuwiang bahay.
By Len Aguirre