Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Japan ngayong araw.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 770 kilometro timog ng Shimoda City at may lalim na 50 kilometro.
Iniulat naman ng Japan Meteorological Agency na walang banta ng tsunami sa naturang paglindol.
Matatandaang Marso 2011 nang tumama ang magnitude 9 na lindol sa Japan na naging sanhi ng malawakang tsunami at ikinasawi ng maraming mamamayan doon.
AR / DWIZ 882