Ni-raid ng mga awtoridad ang bahay ni Vice Mayor Francis Amboy ng Maasin, Iloilo.
Bitbit ng mga tauhan ng Iloilo Provincial Police Office ang search warrant kaugnay sa pagkakaroon umano ng mga hindi lisensyadong baril ng bise alkalde.
Gayunman bigo ang raiding team na makakuha ng armas sa bahay ni Amboy na umano’y nagmamay-ari ng kalibre .45 baril, 9mm pistol at mga bala.
Si Amboy ay kabilang din sa mga tinukoy na narco-politicians ng Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Iloilo.
(Ulat ni Jonathan Andal)