Labing siyam (19) na kasong kriminal ang naisampa na ng DOJ o Department of Justice kaugnay sa ‘war on drugs’ ng Duterte administration.
Sa record ng DOJ, labing tatlong (13) kaso ang naisampa kaugnay sa pagkakapaslang ng umano’y drug users sa lehitimong operasyon at anim (6) naman ang kaso hinggil sa pagpaslang sa labas ng police operations.
Siyam na kaso ang naisampa sa mga Korte sa Metro Manila; tig-apat sa CALABARZON, MIMAROPA area, at Bicol; at tig-isa naman sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.
Sa kabuuan, ang national prosecution service ng DOJ ay nakatanggap ng pitumput isang (71) murder at homicide complaints mula Hulyo 1, 2016 hanggang Agosto 22, 2017.