Inirekomenda na ng National Police Commission o NAPOLCOM kay Pangulong Noynoy Aquino ang promotion sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Una rito ay ang pagbibigay ng ikalawang estrella na may ranggong director kay Chief Supt. Elmer Soria na kasalukuyang acting Director ng PNP Civil Society Group.
Kasunod nito, inirekomenda rin ng NAPOLCOM ang promosyon bilang Chief Superintendent kina S/Supt. Melvin Buenafe na siyang acting executive officer ng Directorate for Personnel and Records Management; acting executive officer ng Directorate for Information and Communications Technology Management na si S/Supt. Gilbert Sosa at S/Supt. Gil Philipps na siyang acting director ng Headquarters Support Service.
Gayundin si Sr/Supt. Elmo Sarona na siyang acting Chief ng Firearms and Explosives Office at S/Supt. Agripino Javier na kasalukuyang acting executive officer ng Directorate for Integrated Police Operations para sa Western Mindanao.
Kasunod nito, nagpalabas na rin ng resolusyon ang NAPOLCOM para kumpirmahin ang appointment ng 218 kadete ng PNPA Lakandula Class 2015 para mapabilang sa hanay ng pulisya.
By Jaymark Dagala