Pasok na sa provisional coverage ng Witness Protection Program ng Department of Justice ang mga magulang ni Reynaldo de Guzman, ang 14 na huling nakasama ni Carl Angelo Arnaiz nang mawala ito noong Agosto 17.
Ito ang kinumpirma ni Public Attorney’s Office Chief, atty. Percida Rueda-Acosta nang magtungo sa tanggapan ng DOJ, kahapon.
Ang PAO ang siya namang pangunahing tumutulong sa aspetong ligal sa pagkamatay ni Reynaldo alyas Kulot.
Sa susunod anyang linggo pagkatapos ilibing si De Guzman ay ipo-proseso naman ng PAO ang pagsasailalim sa permanent coverage ng W.P.P. ang mga magulang ng menor de edad na biktima na sina Lina at Eduardo Gabriel.
Samantala, kinumpirma rin ni Acosta na nasa full coverage na ng W.P.P. ang mga magulang ni Arnaiz na sina Carlito at Eva maging sina Saldy at Lorenzana na magulang naman ni Kian Loyd Delos Santos.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE