Pabor si DILG o Department of Interior and Local Government Officer-In-Charge, Undersecretary Catalino Cuy na ibalik na sa PNP o Philippine National Police ang training ng mga aplikante sa pagka-pulis.
Kasunod ito ng ilang beses nang pakiusap ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na ibalik na sa pagsasanay sa mga papasok sa kanilang organisasyon para matutukan ang pagdi-disiplina sa mga ito.
Ayon kay Cuy, nagsumite na sila ng position paper sa Kongreso na nagsasabing mas mainam kung ibabalik sa PNP ang training sa mga bagong recruit.
Sa ngayon ang Philippine Public Safety College o PPSC na nasa ilalim ng DILG ang nangangasiwa sa pagsasanay.
Nilinaw naman ni Cuy na hindi basta-basta ipinapasa sa training ng P.P.S.C. ang mga aplikante sa pagka-pulis.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE