Sinopresa ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga taga-Partido Liberal sa isinagawa nitong pagtitipon sa Greenhills, San Juan.
Ito’y para magbigay suporta kay DILG Secretary Mar Roxas na binasbasan na ng Pangulo bilang opisyal na standard bearer ng partido.
Kabilang sa mga dumalo sina Senate President Franklin Drilon, House Speaker Sonny Belmonte gayundin sina Camarines Sur Rep. Leni Robredo at Batangas Gov. Vilma Santos – Recto na siyang matutunog na maging running mate ng kalihim.
Sa kaniyang talumpati, inamin ng Pangulo na tinanggihan niya ang pagbibitiw ni Roxas sa gabinete bilang kalihim ng DILG.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal