Isa pang bagyo ang nagbabadyang manalasa sa Carribean ngayong linggo.
Inaasahang tatahakin ng Hurricane Jose ang direksyon ng Hurricane Irma na humagupit sa Cuba at kasalukuyang nananalasa sa Southeastern United States.
Sa ngayon ay nasa dagat pa ang Hurricane Jose at taglay ang lakas ng hanging aabot sa 145 miles per hour at pagbugso na hanggang 230 kilometers per hour.
Bagaman nasa category four status pa ang nasabing bagyo, posibleng umabot ito sa category 5 o super typhoon lalo’t nag-iipon ito ng lakas.
Sa ngayon ay tatlong bagyo na ang nasa bahagi ng Carribean; ang Hurricane Katia sa Mexico; Hurricane Irma sa Southeastern US at Hurricane Jose.