Nagdaos ng mock party para sa ika-100 kaarawan ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang iba’t ibang grupong kontra sa dating diktador.
Inorganisa ito ng grupong Kadamay, kasama ang Molotov Pilipinas, social media group na Temperamental Brats at ang artist group na RESBAK o Respond and Break the Silence Against the Killings.
Tampok sa mock party ang isang cake na hawig sa pananamit ng dating pangulo at ang gawa-gawa nilang 500 peso bill na may mukha ni Pangulong Duterte at ni dating Pangulong Marcos.
Binati ng mga naroroon si Marcos ng happy birthday na may kasamang pagmumura.
Bukas ang kaarawan ng dating diktador na nakatakdang isagawa sa puntod nito sa Libingan ng mga Bayani.