Ikinakasa na ng ibat ibang grupo ang malakihang protesta bukas kasabay ng ika-100 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Bagong Alyansang Makabayan o Bayan Secretary General Renato Reyes, magtitipon tipon sila sa labas ng Libingan Ng Mga Bayani kung saan ipagdiriwang ng Pamilya Marcos ang kaarawan ng dating diktador.
Giit ni Reyes, kokondenahin din nila ang mga hakbang ni Pangulong Duterte na pabor sa mga Marcos.
Kabilang na anya rito ang pagdedelakara ng holiday sa Ilocos Norte sa araw ng kapanganakan ng dating Pangulo na tila pag whitewash anya sa record ng pandarambong at mga paglabag sa karapatang pantao ng dating diktador.
Naniniwala ang grupong Bayan na ang mga hakbang ngayon ng Pangulong Duterte ay makatutulong sa muling pagbabalik sa Malacanang ng Pamilya Marcos.