Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa mungkahi ni Omar Maute na pakawalan ang mga natitirang bihag ng mga terorista kapalit naman ng ligtas na paglabas ng kanilang mga miyembro sa Marawi City.
Giit ng Pangulo, pagsuko lang ang tanging paraan upang makalabas ang mga ito ng buhay sa Marawi at kailangang sumailalim ng mga ito sa tinatawag na due process
Tiniyak din ng Pangulo na bibigyan ang mga terorista ng abogado at walang magaganap na oppression o karahasan laban sa mga ito kung sila ay susuko.
Ayon sa Pangulo, tinatayang nasa 70 pa ang mga bihag ng mga Maute ngunit maaari rin aniya itong umabot sa bilang na 300.
Samantala, ayon sa militar hindi na lalagpas sa 40 mga miyembro ng Maute ang patuloy na nakikipaglaban kontra sa pwersa ng pamahalaan sa main battle area sa Marawi City.