Umabot na sa 180 ang patay sa baha sa India bunsod ng ilang araw nang pag-ulan.
Ayon kay Disaster Management Minister Javed Ahmad Khan, umapaw ang mga ilog dahilan para malubog sa baha ang maraming barangay sa West Bengal at estado ng Manipur na nasa border na ng Myanmar kung saan matindi rin ang pagbaha.
Higit 1.2 milyong katao na ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers dahil apektado ng pagbaha.
Nagpalala sa sitwasyon ang pagbubukas sa mga dams dahil umaapaw na.
Asahan umanong madadagdagan pa ayon sa mga opisyal ang bilang ng mga nasawi kapag naikot na ang mga lugar na apektado ng pagbaha.
By Mariboy Ysibido