Nasungkit ng Pilipinas ang korona sa kauna-unahang Miss Nature Intercontinental 2017 na ginanap sa Poland ngayong araw.
Wagi ang pambato ng Pilipinas na si Sarah Christine Bona , 26 years old at Tubong Iriga City sa Camarines Sur.
Hindi na bago sa beauty pageant si Sarah dahil isa ito sa official candidate ng Binibing Pilipinas noong nakaraang taon.
Samantala narito ang ilan pa sa mga nagwagi sa Miss Nature Intercontinental 2017 , first runner up si Miss Slovakia Júlia Kokoruďová at second runner up si Miglena Nikolova ng Bulgaria.
Naitatag ang Miss Nature Intercontinental 2017 sa pammagitan ng founder/owner na si Miss International 2001 Malgorzata Rożniecka mula sa Poland.
SMW: RPE
Photo Credit: Miss Nature Intercontinental 2017 FB Page