Magpapatupad na naman ng panibagong bigtime oil price hike ang mga kumpaniya ng langis bukas, Setyembre 12.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa P1.20 hanggang P1.30 ang bigtime price hike sa kada litro ng diesel.
Trenta hanggang kuwarenta sentimos ang posibleng taas presyo sa kada litro ng gasolina habang nasa halos piso naman o otsenta hanggang nobenta sentimos ang posibleng itaas sa kada litro ng kerosene.
Magugunitang sunud-sunod ding nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpaniya ng langis mula noong isang buwan hanggang nitong nakalipas na linggo lamang.
—-