Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga matitinong pulis na isalba ang imahe ng PNP o Philippine National Police.
Kasunod na rin ito ng kaliwa’t kanang kontrobersya sa kampanya kontra droga ng pulisya kung saan kamaikailan lang mga kabataan ang naging biktima ng patayan.
Ayon sa Bise Presidente, naniniwala siyang mas marami pa rin ang mga mabubuting pulis kaysa sa mga tiwali.
Kaya naman apela ni Robredo sa mga ito, itigil na ang mga patayaan dahil hindi aniya ito ang epektibong paraan sa pagsugpo sa iligal na droga.
Mungkahi ng Bise Presidente, gawin ang community based rehabilitation at pag-isipan muli ang pamamaraan sa war on drugs.
—-