Nag-desisyon ang Senate Blue Ribbon Committee na ibalik sa protective custody ng Senado ang customs broker na si Mark Taguba.
Ito ay matapos hilingin ni Senador Panfilo Lacson sa ika-walong pagdinig kaugnay sa P6.4- billion drug shipment na nakalusot sa Customs.
Iginiit ni Lacson na posibleng ang biglaang pagbawi ng testimonya ni Taguba laban sa Davao Group ay dahil sa tinanggal na ito sa kustodiya ng Senado.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, wala aniyang problema sa kanya na bigyan ng kaukulang seguridad ng Senado si Taguba hanggang sa kakayanin ng budget ng Mataas na Kapulungan.
“There is no problem to provide him, upon the request of Senator Lacson, to approve him the necessary security so long as the Senate can afford it.” Ani Senator Gordon
Inako naman ni Gordon ang unang pagkakatangal ni Taguba sa protective custody ng Senado.
Sinabi ni Gordon na ang protective custody na ibinigay kay Taguba ay hindi nangangahulugang kailangan nitong manatili sa Senado.
AR/ DWIZ 882