Tiwala si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na malapit ng maging Bise Presidente ang kapatid nitong si dating Senador Bongbong Marcos.
Sa naging talumpati ng gobernadora kahapon sa pagpapasinaya ng historical marker ng kanilang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Batac, Ilocos Norte, tinawag nitong Vice President si Bongbong at sinabing nalalapit na itong maupo sa pwesto.
Taliwas naman ito sa nauna nang desisyon ng PET o Presidential Electoral Tribunal na ibinasura ang ‘first cause of action’ ni Bongbong na kumukwestyon sa integridad ng naganap na 2016 Elections.
Samantala, ikinatuwa naman ng pamilya Marcos ang ginawang pagkilala ng National Historical Commission of the Philippines sa monumento ni Marcos Sr. na nangangahuluhan aniya na kinilala na rin ng kasaysayan ang pagkakaroon ng Pangulo ng bansa na mula sa Batac.