Tumanggi ang taxi driver na si Tomas Bagcal sa alok ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na isailalim ito sa protective custody.
Ani Bagcal, mas nanaisin nitong manatili sa grupong ‘Rise Up for Life and For Rights’, kung saan ito sumuko.
Maliban dito, tiniyak din ni Bagcal na handa nitong tulungan ang pamilya ni Carl Angelo Arnaiz para makamit nila ang hustisya.
Matatandaang matapos ang ilang linggong pagtatago ay lumantad si Bagcal kung saan ito ang sinasabing taxi driver na hinoldap umano ni Arnaiz.