Itinalaga ng Malakanyang si Undersecretary Rosalina Bistoyong bilang OIC o Officer-in-Charge ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Kasunod ito ng tuluyang pagbasura ng makapangyarihang CA o Commission on Appointments sa ad interim appointment ni dating DAR Secretary Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang appointment paper ni Bistoyong.
Si Bistoyong ay nanunungkulan bilang undersecretary ng DAR mula pang noong 2010 at dalawampu’t walong (28) taon nang nagsisilbi sa gobyerno.
Kilala si Bistoyong na sumusuporta sa Agrarian Reform Beneficiaries at Indigenous Peoples o IP’s maliban sa pagtulong nito sa mga dating landowners sa ilalim ng CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program.