Inaasahang bababa ang produksyon ng asukal sa bansa kaya’t posibleng maapektuhan dito ang mga magsasaka ng tubo.
Ito’y bunsod ng naging pahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging matindi ang pagtama ng El Niño phenomenon ngayong taon hanggang sa susunod na taon.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration o SRA, batay sa kanilang pagtaya, nasa 2.3 metriko tonelada lamang ang inaasahang mapo-prodyus na asukal ng mga magsasaka na lubhang mababa sa target na 2.46 milyong metriko tonelada sa taong 2014 hanggang 2015.
Magsisimula ang cropping season o pagtatanim ng tubo ngayong Setyembre hanggang sa Agosto ng susunod na taon.
By Jaymark Dagala | Monchet Laranio