Aminado ang aktres na si Solenn Heussaff na hindi ito fan ng organic food.
Bukod, aniya, sa mahirap sundin ang diet plan na organic ay napakamahal pa nito.
Gayunpaman, sinabi naman ni Solenn na may mga lugar katulad ng Legazpi market kung saan affordable at malalaki ang mga organic food tuwing Linggo ng umaga.
Kung ganon aniya lagi ang presyo, mag-o-organic siya.
Sinabi ni Solenn, ito ay dahil alam niyang malinis at walang pestisidyo ang mga organic food.
By Avee Devierte