Pinagbibitiw na sa pwesto ni Senador Risa Hontiveros si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na inakusahan niya ng Unethical Conduct at Unbecoming of a Member of the Civil Service.
Sa privilege speech ng senadora, inihayag nito na sa nakalipas na public hearing ng Committee on Public Order kung saan ay resource person si Aguirre, may nakakuha ng picture na nagtitext ang kalihim.
Nangamba umano ang kumuha ng litrato dahil noong i-enlarge o i-zoom ang larawan ay nakita na katext nito ang isang Cong. Jing na nagsasabing naturuan na daw ni Hontiveros ang testigo sa pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos.
Ayon sa Senadora hindi na siya magtataka kung sa mga susunod na araw ay may mga kaso na isasampa laban sa kanya si Aguirre o mga galamay nito sa Volunteers Against Crime and Corruption o VACC.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE