Kontra si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng sinasabotahe ang kampanya ng administrasyon kontra iligal na droga.
Ayon kay Lacson, hindi kapani – paniwala ang naging obserbasyong ito ng Pangulo kung ang pagbabatayan ay ang mga salaysay ng sunud – sunod na pagkamatay ng mga kabataan sa kamay ng mga pulis.
Gayunman, giit ni Lacson, maaaring may hawak na mga impormasyon ang Presidente na hindi alam ng publiko kaya’t nasabi nito ang naturang pahayag.
Samantala, hindi natuloy ngayong araw ang nakatakda sanang pagdinig ng senado hinggil sa pagkamatay ng ilang kabataan na isinasangkot sa iligal na droga.
Ulat ni Cely Ortega – Bueno
______