Patay ang limang miyembro ng Maute group na nakikipag-bakbakan sa mga otoridad sa Marawi City.
Nangyari ang sagupaan sa gitna ng clearing operations ng militar sa isang gusali sa main battle area sa Marawi.
Nabatid na dalawang labi ng Maute group members ang narekober ng mga sundalo sa naturang gusali na una nang sinunog ng mga terorista.
Nakarekober din ang mga sundalo ng matataas na kalibre ng baril, night vision goggles at improvised explosive device (IED).
Mahigit 600 miyembro ng Maute group ang napatay na sa patuloy na sagupaan sa Marawi City.
Sinabi ng militar na hawak pa rin ng Maute ang ilang sibilyang hostage, dahilan nang dahan – dahang clearing operations sa lungsod.
______