Itinalaga na ni Pangulong Benigno Aquino III bilang bagong Chairman ng Energy Regulatory Commission o ERC si Atty. Jose Vicente Salazar kapalit ni Zenaida Ducut.
Magugunitang inireklamo si Ducut dahil umano sa pagpabor nito sa mga power firm sa pagtataas ng singil sa kuryente sa halip na isaalang-alang ang interes ng taumbayan.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Caloma, magsisilbi si Salazar bilang ERC Chairman hanggang July 10, 2022.
Bago italaga, nagsilbing undersecretary-in-charge on Energy Matters at Chairman ng Department of Energy – Department of Justice Task Force on Oil Industry Deregulation Act of 1998 si Salazar.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)