Binalikan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Senador Risa Hontiveros.
Sinabi ni Aguirre na paglabag sa kaniyang karapatan sa Privacy of Communications ang ginawang pagpapalabas ni Hontiveros sa larawan ng kaniyang text messages sa isang umanoy miyembro ng VACC hinggil sa isasampang kaso laban sa Senadora.
Iligal at labag din aniya sa konstitusyon ang anumang patagong pagkuha sa mga larawang ito.
Dahil dito hinamon ni Aguirre ang kumuha ng larawan na lumutang at patunayang hindi sinadya ang pagkuha sa nilalaman ng kaniyang celfon.
SMW: RPE