Handa si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na makulong sa Pasay o Muntinlupa City Jail.
Ipinabatid ito ni Atty Jose Dinio, abogado ni Faeldon na aniya’y hindi natatakot sa mga Senador lalo pat ang dating customs official ang boluntaryong nagtungo sa Senado para magpakulong.
Sinabi ni Dinio na handa sila saan man ikulong si Faeldon dahil ang detention nito ay maliit na bagay lamang bilang kabayaran sa isang taong may positibong mensahe sa kaniyang kapwa Pilipino.
SMW: RPE