Binuksan na sa lahat ng uri ng sasakyan ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Quezon Province patungong Bicol makaraang malinis ang mga nagbagsakang debris dulot ng bagyong ‘Maring’.
Ayon sa DPWH o Department of Public Works and Highways, gabi na ng matapos ang road clearing operation sa nasabing kalsada.
Nagtulong – tulong ang mga maintenance crew ng DWPH, militar at ilang sibilyan gamit ang mga heavy equipment sa pagtanggal sa mga nagbagsakang puno at gumuhong lupa.
Magugunitang nag – landfall ang bagyo sa naturang lalawigan noong Martes, Setyembre 12.
_____