Handa ang PNP o Philippine National Police na hukayin ang labi ng 14 anyos na si Reynaldo de Guzman alyas ‘Kulot’, kung ito ay ipag – uutos ng Korte.
Ito ay matapos na tuluyang mailibing ang bangkay na pinaglalamayan ng pamilya De Guzman, ngayong Miyerkules, Setyembre 13.
Ayon kay Philippine National Police – Crime Investigation and Detection Group – National Capital Region (PNP – CIDG – NCR) Chief Senior Superintendent Wilson Asueta, tuloy ang kanilang imbestigasyon para makabuo ng mga sirkumstansya para makapagsampa ng kaso laban sa mga magulang ni De Guzman.
Muling nanindigan ang PNP na hindi tumugma ang DNA ng mga magulang ni De Guzman sa bangkay na natagpuan sa Gapan, Nueva Ecija.
_____