Kinondena ni Vice President Leni Robredo ang pagbibigay ng Kamara ng 1,000 Peso budget sa Commission on Human Rights para sa susunod na taon.
Ayon kay Robredo, itinatag ang CHR sa ilalim ng kasalukuyang saligang batas mula sa malagim na karanasan ng bansa sa diktaduryang Marcos, kung saan talamak ang paglabag sa karapatang pantao.
Ang pagkakaroon anya ng C.H.R. ang isa sa mga mahalagang pansalag laban sa pagbabalik ng mapang-abuso rehimen at ito rin ang pundasyon ng pagtataguyod sa dignidad at karapatan ng bawat Pilipino.
Tila binubuwag na anya ng kongreso ang komisyon at nagbabadya ang kawalan ng respeto sa saligang batas at sa karapatang pantao dahil sa pasyang ito.
Iginiit ni Robredo na isa rin itong banta sa demokrasya sa gitna ng laganap na karahasan at patayan na dapat ikabahala ng sambayanan.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE