Posibleng humantong sa deadlock ang 2018 National Budget pagdating sa Bicameral Conference sa oras na ipilit ng Kamara ang 1,000 Peso allocation para sa Commission on Human Rights sa susunod na taon.
Ito ang ibinabala ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon makaraang igiit na nagkakaisa ang mga Senador sa pagbabalik sa 678 Million Peso budget ng C.H.R.
Ayon kay Drilon, suportado nila ang posisyon ni Senator Panfilo Lacson na dapat manatili ang nakalaang pondo para sa komisyon sa taong 2018.
Si Lacson ang mag-i-sponsor at mag-de-depensa sa budget ng CHR pagdating sa plenaryo.
Hindi anya maaaring buwagin ang C.H.R. sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng budget dahil isa itong constitutional commission na maaaring kuwestyunin sa Korte Suprema.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE