Nais malaman ni Senador Panfilo Lacson mula sa PNP o Philippine National Police kung may security classification ang spot report.
Ayon kay Senador Lacson, kung wala namang security classification ang spot report walang dahilan upang ipagbawal ang pagpapaktia nito sa media.
Iginiit pa ng mambabatas na hindi naaayon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa implementasyon ng Freedom of Information o FOI sa mga tanggapan ng gobyerno ang pagbabawal ilabas o ipakita ang spot report.
Sa nakalipas aniyang hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, nangako si PNP Chief Director-General Ronald Dela Rosa na isusumite na nila ang matagal ng hirit ni Senador Franklin Drilon na kopya ng spot report kaugnay ng mga napatay sa giyera kontra droga.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE