Walang dapat ipangamba at hindi dapat mag-panic ang publiko sa mataas na kaso ng Japanese encephalitis sa bansa.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Paulyn Ubial sa gitna ng mga ulat na nagkaka-ubusan na umano ng insect repellent.
Ayon kay Ubial, nananatili sa 133 kumpirmadong kaso ng Japanese encephalitis ang naitala simula Enero hanggang Agosto 26 kumpara sa 273 kaso sa kaparehong panahon noong isang taon.
Hindi na rin anya kailangang bigyan ng bakuna ang mga bata dahil bahagi na ito ng normal endemic diseases o matagal ng nasa bansa.
Ipinaliwanag naman ni Ubial na tumaas ang naitatalang kaso ng Japanese encephalitis dahil sa pagtatatag ng acute meningitis and encephalitis syndrome surveillance noong 2014 sa mga government hospital.
SMW: RPE