Kumalas na sa majority bloc ng Kongreso ang pitong kongresista mula sa Makabayan bloc upang paigtingin ang kanilang pagtuligsa sa pagiging ‘anti-people regime’ ng Duterte administration.
Ayon kay ACT Party-list Representative Antonio Tinio, malaking factor din sa desisyon ang war on drugs ng Duterte administration kung saan maraming inosente ang nadadamay.
Sinabi ni Tinio na isa rin sa mga dahilan nang pagkalas nila sa majority group ang bigong paglusot nina dating DSWD secretary Judy Taguiwalo at DAR secretary Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano na mga kilalang malapit sa mga militante sa Commission on Appointments.
Dahil sa pagkalas sa majority group, bibitiwan na ng pitong miyembro ng Makabayan bloc ang mga hinahawakang committee chairmanships.
Ang mga kongresista na kabilang sa Makabayan bloc ay sina:
- ACT Teachers Representative Antonio Tinio
- ACT Teachers Representative France Castro
- Gabriela Representative Emmi de Jesus
- Gabriela Representative Arlene Brosas
- Bayan Muna Representative Carlos Zarate
- Anakpawis Representative Ariel Casilao
- Kabataan Representative Sarah Elago
Basahin ang buong pahayag ng Makabayan:
Ulat ni Jill Resontoc (Patrol 7) / Contributor: Judith Estrada Larino