Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang kasong kriminal laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kaugnay ito sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng SAF o Special Action Force na nagsagawa ng anti-terrorism raid sa Mamasapano, Maguindanao.
Tinanggihan ng Ombudsman ang mosyon ni aquino na ibasura ang mga kasong usurpation of authority at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act laban sa kanya.
Nauna nang sinabi ng Ombudsman na may nilabag si Aquino nang payagan nito si dating PNP chief Allan Purisima na lumahok sa pagpla plano ng ‘Oplan Exodus’ gayung suspendido ito sa serbisyo noong panahong ‘yun.
Maliban kina Aquino at Purisima, nahaharap rin sa kahalintulad na kaso si retired director Getulio Napeñas na hepe ng SAF noong panahong mangyari ang Mamasapano raid.